Tahan na

source: http://news.yahoo.com/nphotos/slideshow/photo//091002/ids_photos_wl/r1125296281.jpg/

A child sits on mud caused by Typhoon Ketsana, locally known as Ondoy, in Montalban Rizal, west of Manila October 2, 2009. The Philippines declared a nationwide state of calamity on Friday as a "super typhoon" bore down a week after flash floods killed nearly 300 people in and around Manila. Typhoon Parma, about 150 km (100 miles) east of Luzon, was gaining strength as it churned west-northwest toward the mainland, bringing heavy rain.

ni Haniely Pableo

Aking naaalala no’ng ako ay bata pa
Pag bumagyo sa amin kami ay binabaha
Dala sa balikat ang aming mga supot
Damit at pagkain ay sadyang ibinabalot
Naglalakad sa gitna ng lakas ng hangin
Tamaan man ng kahoy ay di na pinapansin
Basang-basa kami sa pagbuhos ng ulan
Pupunta sa malayo doon sa may simbahan.
Lalayo at iiwasan ang wasak ng bagyo
Gagawin ang lahat, basta’t ligtas ang buhay mo.

Di ko lubos maisip kung ano ang dinaranas
Ngayon ng kababayan doon sa Pilipinas
Bahay, ari-arian ay bigla na lamang nawala
Patay dito, patay doon pati aso at pusa.
Hinaing ng kababayan, kung saan sila patungo
Pangarap ni bunso ay bigla na lang naglaho
Ngayon aking tanong kung ano ang meron dito?
Ngayon aking tanong kung saan tayo tutungo?
May bukas pa kayang naghihintay sa kanila?
Aahon pa kaya silang nasalanta?

Saan na pupunta ngayon ang mga bata?
Kung ang eskwela ay sadyang binabaha.
Hanggang leeg, hanggang tuhod, bigla na lang nalunod
Iligtas ang buhay, katapangan mo’y susugod.
Nilabanan mo ang bagsik ni Ketsana
Bayani kang tunay, Pinoy kang talaga!
Tumulong ka’t bumangon, ngayon na! Tara Na!
Sagipin ang ‘yong kapwa, tayo ay magka-isa.

Pero aking kababayan, kung iyong iisipin
Si Inang Kalikasan hindi dapat ang sisihin.
Sino ang pumuputol ng ulo ng mga kahoy?
Sino ang nagkalat ng basurang lumalangoy?
Ikaw ba, o ako, o ang lahat ng tao?
Si Inang Kalikasan ay ating minamaltrato.
Ito’y isang tula para sa aking kapwa
Hindi ko akalain na ako’y isang makata.

Si Ondoy ay lumipas dala niya ang hagupit
At heto na naman, paligid ay pumangit.
Sa paglipas ni Ondoy, laban ay di nagtatapos
Kahirapan ng madla ay makikita mong lubos.
Tahan na kaibigan, tahan na kapatid.
Di ka na nag-iisa, sana ay iyong batid
Na kahit na malayo, kami ay nandirito,
Ang inyong lingkod, handang tumulong sa inyo.

~ by c on October 6, 2009.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
%d bloggers like this: