Story of a Whore, an Allegory

Philippines Map

The other day, we here at the KPC Blog received this interesting comment from a user named “everjiongco” against the post entitled: “The RED Lumpia or the GREEN one. Which will YOU choose?” by resident blogger, Leonard. It’s completely in tagalog, so I enlisted the aid of our Executive Director, Caroline Mangosing, to help me translate. Here’s Caroline’s take on it:

hey this thing is really quite interesting. the “whore” is the the motherland. the story is in first person –her name is PILIPINAS. she’s talking about what who has used her, the colonizers, and the US the “different” kind of colonizer. how she keeps going back to him even tho he just keeps using her. and how he’s put poison in her .. etc. her past of being a beautiful virgin, how her children have left her for better land (Saudi, US, Hong Kong) — it’s really really interesting little tale.

“Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.”
My children are so good, successful where ever they end up. They are good no matter what they do. Wrong or right. I am proud of them. Though, they feel the opposite towards me (they are ashamed of me).

“INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!”
I am your mother! Please give me love!
We all thought that this is a good piece for discussion, so what do you think? Not sure if “everjiongco” is the original source, but we’d appreciate more background on this if you know anything. The original comment, found here, is also posted below.  WARNING: Contains some swear words.

STORY OF A WHORE, submitted by everjiongco | everjiongco@yahoo.com

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Ang bango-bango ko daw, sariwa at makinis. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito nagka-letse-letse ang kinabukasan ko.

Halika at makinig ka muna sa kwento ko.

Alam mo, maraming lumapit sa akin, nagkagusto, naakit. Pakiramdam ko ay sikat ako sa kanilang lahat, virgin eh! Iginalang at tinanggap ko naman sila nang maayos, bakit kaya nila ako ginago? Masakit alalahanin, iniisip ko na lang na dahil di sila taga rito, siguro talagang ganoon. Tatlong malilibog na foreigners ang nagpiyesta sa katawan ko, na-rape daw ako?

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko malilimutan. Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, tinatakbuhan ko pa rin siya. Tinulungan nya kasi akong makalimutan yung mga sadistang Hapon at Kastilaloy. Kase, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. Ibang klase siya mag-sorry, lalo pa at kinupkop niya ako at ang mga naging anak ko.

Parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi, at ano ka, may datung pa! Nakakabaliw siya, alam kong ginagamit nya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-Ingles, di lang magsulat ha! Magbasa pa! Hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami. ‘Yun nga lang, lahat ng bagay na hilingin ko sa kanya ay may kapalit.

Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay. Putang Ina! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Patalsikin ko na daw. Sa tulong ng mga anak ko, napalayas ko ang animal pero ang hirap magsimula. Masyado na kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya. Lubog na lubog pa kami sa utang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Sinikap naming lahat maging maganda ang buhay namin. Ayun, mga nasa Japan, Hong Kong, Saudi ang mga anak ko. Yung iba nag-US, Europe. Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi, masaya daw sa piling ko, maski amoy usok ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, gayon din ang dami ng mga anak ko na nananamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Dumating ang panahon na di na kami halos makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Ang di ko inaakala ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Napakasakit tanggapin na malinlang. Akala ko ay makakakita ako ng magiging kasama sa buhay sa mga ahas na ipinakilala ng mga anak ko. Hindi pala. Ang tanga ko talaga. Binugaw ako ng sarili kong mga anak kapalit ng kwarta at pansamantalang ginhawa na nais nilang matamasa.

Wala na akong nagawa dahil sa sobrang pagmamahal ko sa aking mga anak. Wala akong ibang yaman kundi ganda ko. Pinagamit ko na lang ng pinagamit ang sarili ko, basta maginhawa lang ang mga anak ko. Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kase ang isang magandang tulad ko.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa nang palaki. Kulang na kulang. Paano na lang ang mga anak ko na naiwan sa aking punyetang puder? Baka di na ako balikan o bisitahin ng mga nag-abroad kong mga anak. Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama ko lang ang pagmamahal ng mga anak ko. Malaman nila na gagawin ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko nang di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawin. Tama man o mali. Proud ako sa kanila. Kaso sila, kabaligtaran ang nararamdaman para sa akin.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa. Ni di nga ako kinikilalang ina. Halos lahat sila galit sa isa’t isa. Walang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Ang dami ko nang pasakit na tiniis pero walang sasakit pa nung sarili kong mga anak ang nagbugaw sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masyado silang nasanay sa sarap ng buhay. Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala ang sarili ko.

Dadating na naman ang Mahal na Araw, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang buwan pa, piyestahan na naman. Natatakot ako sa mga taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pagbubugaw ng ilan sa mga anak ko. Sana may magtanggol naman sa akin, ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “INA NINYO AKO! MAHALIN NYO NAMAN AKO!”

Salamat ha, pinakinggan mo ako.

Ay sorry, di ko pala nasabi pangalan ko.

PILIPINAS nga pala ang pangalan ko!

~ by reesebaguio on March 13, 2008.

3 Responses to “Story of a Whore, an Allegory”

  1. It is a sad tale.How does one respond? How does one continue to love the Motherland except to remember one’s roots.

    Yes, indeed, the country has to take stock of the past but can we keep blaming the colonialists for what happened to us?

    Not that we are unable to stand on our own, but first our people have to ‘own’ the problem and stand united. The diverse cultures and varying loyalty only to the individual family or clan, only to short term vision seem to pose an obstacle to looking at the situation holistically.

    Mahal ka pa rin namin, nanay,nguni’t ano ang aming magagawa ngayon. Marami ng taon ang nakalipas, iba’t ibang dugo na ang dumadaloy sa ugat ng aming mga anak. Kaunti lang ang mga magagawa ngayong nasa ibang lupain na kami. Di naman malilimutan ang aming pinagmulan. Mahal pa namin ang aming ina.

    • Good day deberigny,

      Thank you for your appreciation of my article, I totally agree with you. We cannot go on playing the blaming game. We have to own up that everyone’s prostituting our beloved “Puta”.

      As I have previously posted in reply to a posted comment by “buzzman” way back in 2004:

      “ako’y isang ina, anak kong buzzman. ina na walang ibang maibibigay sa inyo kundi ang aking ganda. ang ganda na sanay nakapagbigay sa inyo ng dangal at yaman maski madumi ang nakaraan. inang pilit na umaahon sa bawat bagyong dumadaan. ang di ko maintindihan, sa dami ng mga anak ko na sa tingin ko ay kasinggagaling at kasingtatalino mo ay di na tayo nakaangat sa paghihirap. parang supot ng basurang itinapon sa ilog pasig na lulutang lutang, di alam ang patutunguhan.
      sabagay, sabi nga nila, ang basurang tinapon mo ay basurang babalik sa iyo. kaya siguro ganito pa rin tayo.”

      “…nais ko lang naman na muling kilalanin ang sarili ko. sa tulong nyo alam kong magagawa ko ito.
      walang santong kabayo ang makakagawa ng mirakulo kung mismong mga anak ko, di mag-uugaling tao…

      “ang away-kapatid ay may bugso ng paglaya, kundi man ito proseso ng paghubog at pagmulat” na sinasabi mo ay dapat may aral na kinapupulutan at di lang laman ng pahayagan.

      ang “kuwarenta milyones na katutubong hintuturo ang nakabaon sa pagitan ng hita” ko ang magtatakda ng ating kapalaran at tingin ng ating karatig bayan.

      kulang ang “magbasa ka ng libro” kung ang utak at puso ay pulo-pulo sa layo. hindi sapat ang kaalaman kung ang tingin natin sa www. porno ay bagay na dapat kaaliwaan lalo pa’t ang starring dito ay iyong kababayan.

      wala kang ate o kuyang dapat sisihin at wag mong murahin ang sarili mo. walang delikado sa pagiging totoo sa sarili, di ba? ang pinaka-importante ay may natutunan tayo sa ating pinanggalingan, dilat tayong titingin sa ating dinadaanan at kapit-kamay tayong susulong sa kinabukasan.”

  2. Thank you for re-posting my article.

    If you wish to get updates on the upcoming “Minsan may Isang Puta” short film entry by Urban Tribe’s Sarah Roxas @ the “Ganap na Babae”-search for the NEW WOMAN Director, you are most welcome to join us – HERE’s TO A BETTER PHILIPPINES!

    JOIN US > http://www.facebook.com/pages/Minsan-may-Isang-Puta/359475606984?v=wall

    “Minsan may Isang Puta” was originally published in April 30, 2004 @ Peyups.com and at 2010, it is still finding it’s way to blog sites, fora, search engines and now on film.
    Still pandering on your hunger for a true sense of NATIONALISM.

Leave a Reply

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

 
Follow

Get every new post delivered to your Inbox.

Join 31 other followers

%d bloggers like this: